Pangalan ng gunman nasambit...Saksi sa kasong murder itinumba

MANILA, Philippines - Pinasok ng isang la­laki ang bahay ng isang 45-anyos na biyuda habang ito ay na natutulog kahapon ng madaling-araw sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.

Bago nalagutan ng hini­nga ang biktima na si Elena Miranda sa tinamong tama ng bala sa pisngi at leeg ay nabanggit pa nito ang pangalan sa anak na si Al, 12 na ang bumaril ay isang alyas Ruel.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima, sa pamamagitan ng pagkalas sa nakataling nylon
cord sa pintuan, na nagsi­silbing lock. Nang nakapasok  na sa loob ng bahay ay naalimpungatan ang biktima at kasunod ang dalawang putok ng  baril.

Nagising ang mga anak na nagkakaedad, 12, 10 at 8, nang makaalis na ang suspek  at bago pa panawan ng ulirat ay sinabi nito na
siya ay binaril ni “Ruel”.

Sa impormasyon ng pulisya na ang  biktima ay witness sa kaso ng murder  laban sa suspek  may ilang buwan na ang nakalipas.

Malaki ang hinala ng pulisya na pinatahimik ito upang hindi na mu­ling makapagtestigo dahil kasalukuyang nasa preliminary investigation pa
ang kaso ni Ruel sa Manila Prosecutor’s Office.

 

Show comments