Patay na sanggol itinapon sa dagat

MANILA, Philippines - Inakala ng isang ma­ngingisda na naka-jackpot na siya at nakahuli ng malaking isda, subalit kinilabutan ito nang makita na isang bangkay na bagong silang na sanggol ang kanyang nalambat sa karagatan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Batay sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang makuha ang bangkay ng sanggol sa dagat ng ma­ngingisdang si Jerry Toledo sa karagatan ng Brgy.Doña Josefa, Sindangan, Zamboanga del Norte ng makasama sa lambat ang isang patay na bagong silang na sanggol.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan kung sino ang walang pusong ina na nagtapon sa sanggol sa dagat.

Show comments