Mister hiniwalayan ng misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Sa labis na pangungulila matapos hiwalayan ng misis noong nakalipas na taon ay tinapos na ng isang 48-anyos na mister ang sari­ling buhay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon ng madaling-araw  sa bahay nito sa Muntinlupa City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay nakilalang si Joselito Olan, may-asawa, ng #414 Leo Street, Purok I, Block 3, Bayanan, Muntinlupa City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang pagpapatiwakal ni Olan ng kuya  nitong si Noel Olan, 50-anyos.

Ayon kay Noel napansin niyang nakaawang ang pinto ng kuwarto ng kapatid kaya nagtaka siya dahil sa hindi naman gawain ito ng kapatid.

Kaya nang silipin ang silid ay dito na niya naki­ta ang kapatid na nakabigti gamit ang isang lubid. Agad humingi ng tulong si Noel sa iba pang kapatid at ibinaba ang katawan ng kapatid.

Sa pahayag ng mga ka­anak sa pulisya na bago ang pagpapatiwakal, ay nakipag-inuman muna ang biktima at muli na namang ibinulalas nito ang hinanakit sa pag-iwan sa kanya ng kanyang misis noong nakaraang taon at pagkasira ng kanyang pamilya.

 

Show comments