^

Police Metro

Dinukot na Chinese nasagip… 3 KFR dedo sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang tatlong mi­yembro ng Kid­nap for Ransom (KFR) Gang habang ma­tagumpay naman nasagip ang isang mayamang negosyanteng Chinese na kanilang dinukot sa naganap na shootout sa Davao City kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Sr. Supt. Roland dela Rosa, Director ng Davao City Police ang nasagip na biktima na si Sally Chua, residente ng San Francisco del Monte, Quezon City na kinidnap noong Hulyo 5 sa Maynila at dinala sa lungsod ng Davao.

Ang tatlo naman na napatay na kidnaper ay kasalukuyan pang inaalam ang kanilang identity habang ang isa sa kanila ay naaresto na ngayon ay isi­nasailalim sa tactical interrogation.

Nabatid na dakong alas-12:30 ng tanghali nang magsagawa ng ope­rasyon ang pinagsanib na elemento ng PNP-Anti Kid­napping Group at Da­vao City Police sa pamumuno ni dela Rosa sa ka­habaan ng CM Recto sa tapat ng Allied Bank sa lungsod ng Davao.

Ang ginang ay ibiniyahe ng tinatayang nasa 14 kidnappers sa Davao City upang doon umano mag-withdraw ng P15-M ransom na hinihingi ng mga ito kapalit ng kalayaan ng negosyante.

Ayon kay dela Rosa habang nasa loob ng bangko ang ginang para mag-withdraw ng pera sa nasabing bangko sa kahabaan ng CM Recto Avenue habang patungo ito sa teller ay big­lang pu­malag na nagsilbing hudyat sa mga awtoridad para kumilos na.

Nagkaroon ng putukan sa pagitan ng mga awtoridad at mga kidnapper na sakay ng isang behikulo at naghihintay sa labas ng bangko habang ang isa namang escort ng ginang sa loob ay agad dinakma ng nakaposteng mga awtoridad na nagmamanman sa mga ito.

Nagawa namang ma­katakas ang sampu pang kidnapper na sakay naman ng isang kulay pu­ting Montero na nasa di kalayuan at nagsisilbing lookout sa insidente.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang pitong matataas na kalibre ng armas, isa pang Mitsubishi Montero, sari-sa­ring magazine at mga bala.

vuukle comment

ALLIED BANK

ANTI KID

CITY POLICE

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE

MITSUBISHI MONTERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with