Problema sa pera: Misis binaril ni mister

MANILA, Philippines - Agaw buhay ang isang misis matapos na barilin ng kanyang mister matapos ang mainitan nilang pagtatalo sa problema sa pera naganap kamakalawa sa Brgy. Agdao, San Carlos City, Pangasinan.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa Virgin Milagrosa Medical Center ay nakilalang si Jesusa de Vera, na nagtamo ng isang tama ng bala ng cal 38 revolver.

Arestado sa isang follow-up ng pulisya ang mister nitong si Jonathan.

Sa ulat, dakong alas-11:10 ng umaga ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa hinggil sa pinansiyal na problema ng mga ito.

Sa gitna ng pagtatalo ay nairita na ang mister at binunot ang kaniyang cal 38 revolver at pinaputukan ang kaniyang misis.

 

Show comments