Totoy nalunod sa swimming pool

MANILA, Philippines - Isang 12-anyos na ba­tang lalaki ang hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila matapos itong malunod nang sumisid sa malalim na bahagi ng swimming pool sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinila­lang si John Roland Soriano, ng Dagonoy St., Sta. Ana, May­nila.

Batay sa ulat, dakong alas 3:00 ng hapon nang magtungo sa Army Navy Club sa TM Kalaw St.,  Er­mita, ang biktima kasama ang kanyang ina na si  Ma­rites Soriano at iba pa upang mag-swimming.

Habang lumalangoy  ay nagsisigaw umano ang ina ng biktima ng saklolo nang hindi lumutang ang anak na sumisid sa may lalim na walong talampakan.

Agad namang rumes­ponde ang lifeguard na si Reynald Arias at iniahon ang biktima na binigyan ng first aid ang bata bago isi­nugod sa pagamutan.

 

Show comments