_pang-masa
^

Police Metro

Misis inaway ng mister nagbigti

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines  - Posibleng dinamdam ng isang 24-anyos na gi­nang ang naging pag-aaway nilang mag-asawa at sa umano’y sama ng loob ay nagpasya itong magbigti gamit ang lubid ng duyan naganap kama­kalawa ng gabi sa Brgy.Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Fritz Aguado, ng Blk. 40, Lot 5, Zone 5, Bautista, Brgy. Sampaloc 4.

Bago ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-9:30 ng gabi ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng mister na si Lau­rence.

Umalis si Laurence upang mahinto ang pagtatalo kaya’t nang bumalik ito ng nasabing oras sa kanilang bahay ay bumulaga sa kanya ang naka­bigting misis.

Nakita rin sa kaliwang kamay ng biktima na may hiwa ang pulso nito na po­sibleng naghiwa muna ang biktima bago nagbigti.

 

BAUTISTA BRGY CAVITE DASMARI FRITZ AGUADO LAU NAKITA POSIBLENG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with