2 consultant ng Quezon gov. dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawang consultant ni re-electionist Quezon Gov. David Suarez matapos na paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Tiaong  kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Genesis Castillo at Sharon Matibag; pawang nagsisilbing rural development consultant ni Suarez sa provincial governor’s office.

Batay sa ulat bandang alas-10:30 ng gabi nang pagbabarilin ang mga biktima ng motorcycle riding in tandem madilim sa lugar ng Sitio de la Fuente, Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon.

Narekober naman ng mga nagrespondeng otoridad ang walong basyo ng bala ng M14 carbine rifle  at dalawa pang basyo ng hindi pa natukoy na mga kalibre ng mga armas.

Show comments