1 sa 4 na natabunan nang gumuhong basura narekober

MANILA, Philippines -Pagkatapos ng limang araw nang maganap ang pagguho ng bundok ng basura sa isang landfill sa Montalban, Rizal ay narekober na kahapon ang isa sa apat na nali­bing nang buhay ng mga otoridad.

Dakong ala-1:00 ng hapon nang mahukay ang bangkay ng isa sa mga bik­tima na patuloy pang ina­alam ang pagkakaki­lanlan.

Ang mga pinaniniwalaang natabunan ng basura ay sina Gary Balahibo, Pablito Esto, Eddie Malano at Rovidico Olod.

Kumpiyansa naman ang mga otoridad na matapos na matagpuan ang isa sa mga biktima ay kaagad na rin nilang matutunton ang tatlo pa.

Show comments