‘Ang Minero Partylist’ sinuportahan ng mining employees

MANILA, Philippines -Sinuportahan ng mining employees sa buong bansa ang “Ang Minero Party­list” upang maging tinig ng kanilang sektor sa Kon­g­reso.

Sinabi ni Minero Party­list 1st nominee Engr. Louie Sarmiento, sa kanyang pag-iikot sa mineral-rich na Luzon, Visayas at Mindanao ay naging mainit ang pag­suporta ng mahigit 250,000 empleyado ng mining industries sa kanilang partylist group.

Dinalaw kamakailan ni Engr. Sarmiento ang Ta­ganito Mines, Manila Mi­ning, Greenstone Resources Corporation, Philex Silangan sa Surigao, Berong Nicle, Rio Tuba at Macro Asia sa Palawan, gayundin ang iba’t ibang mining companies sa Luzon, Visayas at Min­danao kung saan ay sini­guro sa kanya ng mining sector ang pagsuporta sa Ang Minero Partylist.

Show comments