Galing Pook Award natamo ng Sarangani

MANILA, Philippines -Tumanggap ng Ga­ling Pook Award ang Sa­ra­ngani Province na tinanggap ni  Sarangani Governor Miguel Dominguez dahil sa programa nitong Quality Education for Sarangani Today (QUEST) na nagsisikap mapaunlad ang kalidad at daan sa edukasyon ng mga kabataan at nagtuturo sa mga ito.

Kasama ni Gov. Do­minguez na tumanggap ng award ang Sagittarius Mines, Inc. (SMI) dahil ak­tibong sumusuporta ang kompanya sa pagmi­mina sa QUEST nitong hu­ling tatlong taon sa pagka­kaloob ng suportang pinansiyal at teknikal sa programa.

Si Pangulong Benigno S. Aquino III ang nagkaloob ng  Galing Pook Award sa mga pamahalaang lokal na nagpapa­tupad ng makabago at epektibong praktis sa serbisyo ng pamahalaang lokal. Ang mga napipi­ling prog­rama ay nagi­ging modelo ng mabuting pamamahala at nagpapa­kita ng pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal sa mga komunidad at sektor ng negosyo na nasa lugar nito para makakita ng makabagong solusyon sa mga karaniwang problema.

Show comments