Pilipinong walang trabaho nasa 2.89-milyon na

MANILA, Philippines -Pumalo sa 2.89 milyon na Pilipino ang walang tra­baho batay sa data ng National Statistics Office (NSO).

Nabatid na umabot na sa 2.89 milyon ang bilang ng mga jobless sa bansa noong  Enero ng taong ito, mas mataas kaysa sa 2.76 milyong naitalang jobless  noong Oktubre, 2012.

Tumaas din ang mga underemployed na Pinoy  na 7.16 milyon noong Oktubre, 2012 ay tumaas na ito sa 7.93 milyon.

Ang underemployed ay mga manggagawang hindi sapat ang oras at  kinikita sa isang trabaho o mga overqualified sa napasukang trabaho.

 

Show comments