Misis, 5 anak hinostage ng mister
MANILA, Philippines - Hindi na umano nakaÂyanan ng isang 38-anyos na mister ang ginagawang panglalait at pagmamaliit sa kanya ng biyenan kung kaya’t nagawa nitong i-hostage ang misis at lima nilang anak kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.
Ang suspek na nadakip ng pulisya ay nakilaÂlang si David Collins Bell “alyas Tisoyâ€, 38-anyos, residente ng Pascual St., Barangay San Agustin ng naturang lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay lasing na umuwi ang suspek sa kanilang bahay at dito ay agad na sinaktan ang misis nito na si Mary Jane Dela Peña, 46 at pagkatapos ay hinostage kasama ang limang anak nito na may mga edad na 14, 12, 9, 7 at 5-anyos.
Nagbanta ang suspek na pasasabugin ang bahay nito sa pamamagitan ng pagsindi ng LPG kaya’t tumawag ng mga pulis ang mga kapitbahay.
Nang respondehan ng mga pulis ay nakakuha ito ng pagkakataon ang mga pulis na mabaril ng de-kuryenteng baril ang suspek at naagaw ang LPG tank na balak nitong pasaÂbugin.
- Latest