Matandang binata namatay sa ‘sarap’

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 55-anyos na lalaki matapos itong kapusin sa paghinga matapos maki­pag-sex umano sa isang bayarang babae sa loob ng isang motel sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si  Jessie Lozarito, ng Macabalo St., ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang pumasok ang biktima kasama ang hindi pa nakilalang babae sa Novotel na matatagpuan  sa Rizal Avenue Extension, Monumento.

Matapos ang pagniniig ng dalawa ay pumasok ang babae sa banyo nang marinig nito ang biktima na nahihirapan umanong huminga.

Kaya’t humingi ng tulong ang babae sa mga roomboy at dinala sa  ospital  ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

 

Show comments