^

Police Metro

3 bata natupok sa sunog

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malungkot ang pag­salubong ng Pasko ng isang pamilya matapos na ma­sawi ang tatlong bata na nakulong sa nasusunog nilang bahay dahil sa na­pabayaang kandila ka­makalawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ace Kher­vy Alejandre, 8; Wendy Bagapuno, 6; at Granson Bagapuno, 3; pawang residente ng F. Acab, Daang Bakal, Ba­rangay 17 ng lung­­sod.

Nagtamo naman ng 3rd degree burn ang may-ari ng bahay na si Alberto Alejanre, 32 at dinala sa pagamutan.

Batay sa imbestigas­yon ni SFO1 Benedicto Tudla, ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Ca­lo­ocan City, naganap ang  sunog dakong alas-9:12 ng gabi sa may ikala­wang palapag na bahay na pag-aari ni Alejanre sa  nabanggit na lugar.

Nabatud na ma­him­bing na natutulog ang mga bata nang magsimula ang sunog at hindi na naka­labas ng bahay ang mga ito.

 

 

ACAB

ACE KHER

ALBERTO ALEJANRE

ALEJANDRE

BENEDICTO TUDLA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAANG BAKAL

GRANSON BAGAPUNO

SHY

WENDY BAGAPUNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with