^

Police Metro

P2-M natangay sa lola

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 77-taong gulang na Lola ang nabiktima ng mga kawatan na ‘Akyat Bahay Gang’ kung saan ay mahigit sa P2 milyong halaga ng pera at mga alahas ang natangay ng hindi pa nakikilalang suspek makaraang looban ang bahay nito sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay personal na dumulog sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ay nakilalang si Feliza Borje, retiradong travel agent na nakatira sa Mapagkumbaba St., Brgy. Sikatuna Village sa lungsod. Sa pagsisiyasat ni SPO1 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, nabatid na ang pagkawala ng mga alahas ni lola Feliza ay kanyang nalaman ganap na ala-1:00 ng madaling araw.

Kabilang sa mga natangay na ari-arian ng matanda ay isang kuwintas na may pendant, diamond ring, isang set na hikaw at iba pa. Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga taong responsible sa pagtangay sa ari-arian ng matanda.

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

FELIZA

FELIZA BORJE

MAPAGKUMBABA ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SIKATUNA VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with