Holdaper napatay sa barilan
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - December 20, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang isang pinaghihinalaang holdaper habang nakatakas ang kasama nito sa naganap na shootout kahapon ng mada­ling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Ang suspek na namatay noon din ay inilarawan na nasa edad 45, may taas na 5’4”, kalbo, nakasuot ng itim na t-shirt at may panloob na kulay violet na sando habang nakasuot naman ng itim na damit at maong na pantalon ang nakatakas na driver ng motorsiklo

Sa imbestigasyon ng Manila Police District Ho­micide Section, dakong  alas-2:30 ng mada­ling-araw nang mamataan ng tropa nina SPO2 Ro­gelio Abellera, PO2 Reynaldo Cuevas at PO1 Dexter Martin, pawang taga anti-crime unit ng MPD PS 4 ang kahina-hinalang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang lalaki.

Nang sisitahin ng mga pulis ang  dalawa dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at wala ring plaka ang ka­nilang motorsiklo ay mabilis na pinaharurot ng driver ang motorsiklo kaya’t hinabol ng pulisya hanggang sa makorner sa kanto ng Sobriedad at Fajardo Sts. Sampaloc.

Bumaba umano sa mo­torsiklo ang driver at mabilis na tumakas habang nakipagbarilan sa pulisya ang naka-angkas na tinamaan sa ulo na naging dahilan ng kamatayan.

Sa eksaminasyon ng  pulisya, may tattoo na To­jot sa puson at  Real sa mga binti ang napatay na suspek.

ABELLERA BUMABA DEXTER MARTIN FAJARDO STS MANILA POLICE DISTRICT HO MAYNILA NANG NAPATAY REYNALDO CUEVAS SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with