Pumalag sa pagnanakaw… Lola inatado ng apat

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng apat na kawatan ang isang 67-anyos na lola matapos na manlaban ito sa ginagawang pagnanakaw sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Tigaon, Camarines Sur.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na nakilalang si Juana Batalon, dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, na posibleng naganap ang krimen sa pagitan ng alas-10:30 hanggang alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay.

Sa teorya ng mga imbestigador posibleng naalimpungatan ang matanda na napasigaw nang maaktuhan ang mga suspek na nagna­nakaw.

Ang biktima ay  natagpuan ng mga anak nito na duguang nakahandusay kaya’t agad nila itong isinugod sa  ospital, subalit namatay ito sa daan pa lamang.

Sa pahayag ng ilang mga kapitbahay ng biktima na napansin nila ang apat na lalaki na tu­matalilis sa bahay, su­balit hindi nila ito na­muk­haan dahil sa ma­dilim ang paligid.

Sa teorya pa ng pulisya na  posibleng kakilala ng biktima ang ilan sa mga suspek dahilan alam ng mga ito ang pasikutsikot sa bahay.

Walang nawawalang kagamitan maliban sa pera ng biktima.

Show comments