US Diplomat dedbol sa rambol

MANILA, Philippines - Pinagtulungan umanong bugbugin ng apat na kalalakihan at isa sa kanila ang sumaksak sa isang US Diplomat matapos ang isang rambol sa loob ng Bel-Air Subdivision, Brgy. Bel-Air, Makati City.

Ayaw naman ibigay ni P/Sr. Supt. Manuel M. Luk­ban Jr., hepe ng Makati City Po­lice, ang pangalan ng apat na suspek na ang tat­lo ay negosyante at ang isa ay estudyante dahil sa may pina­ngangalagaan umanong reputasyon ang mga ito.

Ang biktima na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sanhi ng malalim na saksak sa katawan ay naki­la­lang si George Anico, 41-anyos, American national at residente ng #9 Soler St., Bel-Air Subdivision ng lungsod.

Base sa report ng pulisya, bago naganap ang krimen dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay nagkaroon umano ng asaran ang biktima at mga suspek sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

 Dito ay hinampas umano ng biktima ang sasakyan ng mga suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sinuntok ng biktima ang isa sa 4 na suspek kaya’t gumanti ang mga ito at pinagtulungan ang una hanggang sa bumunot ang isa sa mga suspek ng patalim at inundayan ng saksak ang bik­tima.

Mabilis na isinugod ang biktima sa nabanggit na pa­gamutan, subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas habang agad naaresto ang apat na suspek ng mga pulis.

 

Show comments