Don Ramon vs JMF
Kagaya sa NBA, hindi maiiwasan ang GOAT discussion sa PBA lalo na at malapit na ang 50th season ng liga.
Sa umpukan ng ilang sportswriters noong nakaraang gabi, naipahayag ang speculation na nasa unahan ng stats race sa kasalukuyang tournament si San Miguel Beer behemoth June Mar Fajardo.
At dahil mukhang hindi mapipigil ang mga Beermen sa pagpasok sa finals, sapintaha ng isang sportswriter: “Eh di si June Mar na naman ang Best Player of the Conference at malamang na siya rin ang MVP.”
Kung magkakatotoo ang hula, eight-time MVP winner na si JMF sa season end – doble ng MVP trophies na hinakot nina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio.
Dito pumasok ang Greatest-Of-All-Time discussion kung saan naipagkumpara ang pananalasa nina JMF at Don Ramon.
Mas kopo ng mga veteran sports scribes ang usapan dahil nga naman hindi inabot ng mga neophytes ang era ni Don Ramon.
“Kay Mon Fernandez pa rin ako. Sa quality ako ng MVP awards ni Fernandez kaysa sa quantity ng MVP ni June Mar,” sabi ng isa.
“Skills-wise, malayo ang lamang ni Fernandez. Pagalingan at their peak, kay Fernandez din ako,” pasok ng isa pang beterano sa PBA.
“Mas madali ang era ni June Mar, kasi wala siyang kompetisyon. Si Fernandez, hinarap si (Abet) Guidaben, hanggang dumating sina Abe King, (Manny) Victorino at hanggang ang panahon nila (Alvin) Patrimonio, (Jerry) Codiñera, (Benjie) Paras,” dagdag ng isa.
Nagbigay ang mga bata sa matatanda sa diskusyon, pero malamang kaya rin nilang itayo ang bandera ni JMF.
- Latest