^

PM Sports

Sotto goodbye na sa B-Corsairs

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nilisan ni Kai Sotto ang Japan B.League team nitong Yokohama B-Corsairs.

Mismong ang pamunuan na ng B-Corsairs ang nagsiwalat sa kanilang social media account ang expiration ng loan trasnfer period ng 7-foot-3 Pinoy cager sa kanilang tropa.

“We would like to inform you that the loan transfer period for Kai Sotto who joined us on a loan from Hiroshima Dragonflies, has expired,” ayon sa post ng B-Corsairs.

Naka-loan si Sotto sa Yokohama mula sa dating team nitong Hiroshima Dragonflies.

Maganda ang rekord ni Sotto sa Yokohama kung saan nagtala itong averages na 12.8 points, 6.4 rebounds at 1.1 blocks sa 34 beses na paglalaro nito.

Nagtala pa ng career-high si Sotto na 28 points sa laban ng Yokohama at Alvark Tokyo noong Marso.

Nagpasalamat naman si Sotto sa mainit na pagtanggap ng Yokohama sa kanya.

Malaki ang pasasalamat ng Pinoy cager sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Yokohama para ipamalas ang kanyang husay sa harap ng mga Japanese fans.

“Thank you Yokohama B-Corsairs for giving me a chance to show what I can do to this game that I love the most,” ani Sotto.

 Wala pang linaw kung babalik si Sotto sa susunod na season ng Japan B.League.

Nauna nang napaulat na sasalang ito sa mini camps sa Amerika sa pag-asang makapasok sa NBA.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with