^

PM Sports

Ghost, Guce nanilat sa 1st Leg Triple Crown

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ginulat dehadong Ghost ang mga karerista matapos angkinin ang pa­nalo sa 2024 PHILRA­COM “1st Leg Triple Crown Stakes Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng gabi.

Pinakahuli sa largahan ang Ghost na sinak­yan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awar­dee John Alvin Guce habang nagbabanatan sa unahan ang Worshipful Master at Bea Bell.

Nasa hulihan pa rin ang Ghost pagdating sa kalagitnaan ng karera habang nakihalo na ang Batang Manda sa unahan sa Worshipful Master at Bea Bell.

Papalapit sa far turn ay bumabandera pa rin ang Worshipful Master habang hirap na makalampas ang Batang Manda, Bea Bell at Added Haha.

Pagsapit ng huling kurbada ay lumarga pa sa una­han ang Worshipful Master ng tatlong kabayo habang pilit na kumakapit ang Batang Manda at Bea Bell.

Sa huling 150 metro ng karera sa rektahan ay tinawag na ng race caller si Ghost na nasa bandang labas pero nasa tatlong kabayo pa rin ang bentahe ni Worshipful Master.

Natiyagaan ni Guce ang pagremate ng Ghost, malalakas na palo ng latigo ang pinatama ng hinete sa kabayo kaya naman sakto ang dating nila sa finish line.

Sa nguso lang nagka­talo ang Ghost at ang pu­mangalawang Bea Bell, tersero ang Batang Manda habang pang-apat ang Worshipful Master.

Nilista ng Ghost ang tiyempong 1:42 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang tumataginting na P1.5M premyo habang napunta ang P562,500 sa puma­ngalawang Bea Bell. 

vuukle comment

PHILRA­COM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with