^

PM Sports

Mavs tinapos ang Thunder sa Game 6

Pang-masa
Mavs tinapos ang Thunder sa Game 6
Pilit na ipinagpag ni Mavericks guard Luka Doncic si Luguentz Dort ng Thunder sa Game 6.
STAR/File

DALLAS — Isinalpak ni P.J. Washington Jr. ang dalawang free throws bago ang isang intentional miss sa huling 2.5 segundo sa 117-116 pagsibak ng Ma­vericks sa Oklahoma City Thunder sa Game Six ng kanilang Western Confe­rence semifinals series.

Tinapos ng Dallas ang kanilang best-of-seven showdown ng Oklahoma City sa 4-2 at lalabanan sa conference finals ang mananalo sa semis wars ng nagdedepensang Denver Nuggets at Minnesota Timberwolves.

Nagtabla sa 3-3 ang duwelo ng Nuggets at Timberwolves at magtutuos sa Game Seven.

Tumapos si Washington na may siyam na puntos para sa Mavericks habang kumolekta si Luka Doncic ng 29 points, 10 rebounds at 10 assists para sa ikaapat na triple-double sa postseason.

Bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng playoff career high 36 points para sa Thunder na isinuko ang hawak na 17-point lead sa third period.

“Being down 17 in a closeout game isn’t a position you want to be in,” pahayag ni Kyrie Irving na tumipa ng 22 markers para sa Dallas. “But that’s where we found ourselves. We had to respond the way we’ve been responding all season.”

Na-foul ni Gilgeous-Alexander si Washington sa 3-point attempt nito sa huling 2.5 segundo matapos ang dunk ni Chet Holmgren para sa 116-115 abante ng Oklahoma City sa nalalabing 20 segundo.

Matapos ipasok ang u­nang dalawang free throws para sa 117-116 bentahe ng Mavericks ay sinadya ni Washington na imintis ang pangatlo dahil wala nang timeout ang Thunder.

vuukle comment

OKLAHOMA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with