^

PM Sports

Bakbakan sa semis lalarga ngayon

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bakbakan sa semis lalarga ngayon
Si June Mar Fajardo ang muling babalikat sa SMB kontra Rain or Shine sa semis.
PBA Image

MANILA, Philippines — Matira matibay sa hu­ling apat na koponan ng 2024 PBA Philippine Cup semifinals simula ngayong Game 1 sa Mall of Asia Arena.

Magkakaiba man ng landas na tinahak, wala nang buwelo-buwelo para sa reigning champion San Miguel, crowd favorite Ginebra, darkhorse Meralco at gatecrasher na Rain or Shine sa pag-arangkada ng kanilang best-of-seven semifinal series.

Bubuksan ito ng No. 1 seed na Beermen kontra sa No. 5 na Elasto Painters sa alas-4:30 ng hapon habang sabong ang magkaribal na segundang Gin Kings at terserang Bolts sa alas-7:30 ng gabi.

Panibagong semis entry ito ng SMB at Ginebra bilang dalawa sa top contenders sa nakalipas na dekada habang pagbabalik naman ito sa Final Four ng Meralco at lalo na ang independent team na Rain or Shine.

At lumusot sa butas ng karayom ang Elasto Pain­ters upang maisakatuparan ito matapos umeskapo kontra sa paboritong Talk ‘N Text Tropang Giga sa best-of-three quarterfinals.

Unang yumukod ang RoS sa Game 1, 116-99, bago umiskor ng dalawang sunod na panalo para sa matinding comeback win. Pinakamalupit dito ang pambihirang 110-109 pagtakas sa Game 3.

Maging ang primerang Beermen na halos winalis ang elims hawak ang 10-1 kartada ay kinailangang ibuhos ang buong pu­wersa kontra sa No. 8 subalit palabang Terrafirma.

Nasilat ang SMB sa Game 1 upang muntikang malustay ang twice-to-beat advantage subalit nakabawi sa knockout Game 2, 110-91.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with