Lady Altas may pag-asa pa sa Final 4

MANILA, Philippines — Buhay pa ang asam ng University of Perpetual Help System DALTA na makasampa sa susunod na phase matapos nilang sikwatin ang 25-16 25-19, 20-25, 25-16 panalo kontra Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa Filoil EcoOil Centre, kahapon.

Tinapos ng Lady Altas ang kanilang elimination round campaign na hawak ang 5-4 card at may pag-asa pa sa playoff habang lugmok sa ilalim ng team standings ang Lady Generals na wala pang panalo sa siyam na laro.

Pinangunahan ni so­phomore ace Shai Omipon ang puntusan para sa Perpetual Help nang ilista ang 16 points.

Samantala, winalis ng defending champions College of Saint Benilde ang elimination rounds matapos pagulungin ang Lyceum of the Phi­lip­pines, 21-25, 25-21, 20-25, 25-21, 15-7 sa ikalawang laro.

Humarabas sa open­sa si Gayle Pascual ma­tapos magtala ng 21 points mula sa 17 spikes at apat na blocks upang ilista ang malinis na siyam na panalo at sel-yuhan ang outright finals berth.

Show comments