^

PM Sports

Solar Spikers lubog sa Chameleons

Russell Cadayona - Pang-masa
Solar Spikers lubog sa Chameleons
Umangat si Ivy Lacsina ng Nxled para hatawan si Rovee Instrella ng Capital1.
PVL photo

MANILA, Philippines — Pinataob ng Nxled ang Capital1 Solar Energy, 25-13, 25-23, 25-22, sa duwelo ng dalawang sibak nang koponan sa 2024 Premier Volleyball League All-Fi­lipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ikinasa ng Chameleons ang 4-6 record at inilaglag ang Solar Spikers sa pang-pitong dikit na kamalasan para sa 1-9 baraha.

Ang nag-iisang panalo ng Capital1 ay mula sa 25-18, 25-20, 19-25, 25-20 paglusot sa talsik nang Strong Group Athletics noong Marso 5 kasunod ang magkakabit na kabiguan.

Nagtala si Camille Victoria ng 17 points mula sa 14 attacks at tatlong blocks para sa Nxled  habang may 12 markers si Ivy Lacsina.

“Kung ano lang naman iyong role na ibinigay sa akin ni coach Taka (Minowa) doon lang ako nagpo-focus,” wika ng dating University of Santo Tomas spiker na si Victoria.

Nagdomina ang Chameleons sa first set, 25-13, bago binigyan ng magandang laban ng Solar Spi­kers sa second set.

Sa third set ay nagposte ang Capital1 ng malaking 11-2 bentahe na naitabla ng Nxled sa 12-12 mula sa isang 10-1 atake sa likod nina Victoria at Lacsina.

Ang magkakasunod na puntos ni Lacsina ang nagbigay sa Chameleons ng 22-17 abante habang ang hataw ni Victoria ang sumelyo sa kanilang panalo sa Solar Spikers.

Pinamunuan ni Des Clemente ang Capital1 sa kanyang 10 points habang may walong marka si Jorelle Singh.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with