Lady Bulldogs pakay ang twice-to-beat
MANILA, Philippines — Plano ng last year’s runner-up National University na masiguro ang pagsubi ng twice-to-beat incentives kaya naman nasa isip nila na pagpagin ang Far Eastern University sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.
Si former Rookie of the Year/Most Valuable Player, Mhicaela Belen ang posibleng paghugutan ng lakas ng Lady Bulldogs.
Magsisimula ang paluan sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Ateneo at Adamson University sa alas-2 ng hapon.
Nakikipag-agawan ang Lady Bulldogs sa three-way tie sa top spot kasama ang defending champions De La Salle University Lady Spikers at University of Santo Tomas Golden Tigresses na may tig-11-2 records.
Makakakuha ng bonus ang top two teams pagkatapos ng 14-game elimination round at dahil magtatapat ang DLSU at UST sa kanilang huling laro sa second round ay tiyak na sa insentibo ang Lady Bulldogs kung tatalunin nila ang Lady Tams na nasa solo fourth place, (9-4).
Samantala, para sa Lady Tams, kahit ano pa ang maging resulta ay mananatili silang nasa No. 4 at tiyak pa rin ang pagsampa sa semifinals.
- Latest