^

PM Sports

Suns pinalubog ng T-Wolves sa Game 1

Pang-masa

MINNEAPOLIS — Humugot si Anthony Edwards ng 18 sa kanyang 33 points sa third quarter para buhatin ang Minnesota Timberwolves sa 120-95 pagpapalubog sa Phoenix Suns sa first round ng Western Conference playoffs.

Nagdagdag si Karl-Anthony Towns ng 19 points habang may 18 markers si Nickeil Alexander-Walker at humakot si Rudy Gobert ng 14 points at 16 rebounds para sa unang Game One home win sa playoffs ng Timberwolves sa nakalipas na 20 taon.

Bumira si Kevin Durant ng 31 points sa panig ng Suns.

Pinamunuan ni Edwards ang isang 19-4 atake ng Minnesota sa pagtatapos ng third quarter tampok ang mga jump shots kontra kay Durant.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Phoenix na magho-host ng Game Three.

Sa Denver, humakot si Nikola Jokic ng 32 points at 12 rebounds sa 114-103 pagdaig ng nagdedepensang Nuggets sa Los Angeles Lakers sa kanilang playoff opener.

Sa New York, umiskor sina Jaylen Brunson at Josh Hart ng tig-22 points para sa 111-104 panalo ng Knicks sa Philadelphia 76ers sa Game One ng kanilang Eastern Conference ope­ning round playoffs.

Sa Cleveland, bumira si Donovan Mitchell ng 30 points sa 97-83 pagbugbog ng Cavaliers sa Orlando Magic sa kanilang playoffs series.

vuukle comment

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with