^

PM Sports

Lady Chiefs nagpalakas ng tsansa sa Final 4

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bahagyang nan­lalamig ang laro ng Arellano Uni­­versity kaya naman kinailangan nila ng limang sets upang payukuin ang San Sebastian College, 25-17, 26-28, 22-25, 25-23, 15-12 sa NCAA Season 99 women’s volleyball na nilaro sa Filoil EcoOil Arena kahapon.

Dahil sa panalo, na­natiling malakas ang tsansa ng Lady Chiefs na makasampa sa Final Four sa event na ipinatutupad ang double round robin eliminations. 

Kinapitan ng Lady Chiefs sa opensa si Pauline de Guzman na siyang na­nguna sa opensa nang itarak nito ang 21 points habang bumakas sina Marianne Padillon at skipper Dodee Batindaan ng 13 at 12 hits, ayon sa pagkakasunod upang ilista ang kanilang unang streak.

Nasa pang-apat na puwesto sa team standings ang Arellano na may 3-2 karta.

Samantala, nasolo ng three-peat-seeking College of St. Benilde Lady Blazers ang liderato matapos dungisan ang malinis na karta ng Letran Lady Knights, 25-18, 25-21, 25-19 sa ikalawang laro.

Malinis sa limang laro ang Taft-based squad  habang nalasap ng Lady Knights ang unang talo sa limang salang, nalaglag sila sa No. 3 sa unahan ng Lady Blazers at Lyceum of the Philippines Lady Pirates na may 4-0 card.

 

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with