^

PM Sports

Sisi handang bumawi

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ni outside hitter Sisi Rondina na makaresbak upang tulungan ang Choco Mucho na muling umangat sa Premier Volleyball League (PVL) 2024 All-Filipino Conference.

Lumasap ang Flying Titans ng 17-25, 22-25, 19-25 kabiguan sa defending champion Creamline Cool Smashers kung saan nagtala naman si Rondina ng 17 puntos sa naturang laro.

Subalit nakita ang kahinaan ni Rondina na mayroong 8-of-25 output sa receptions — bagay na nais nitong hasain pa para sa mga darating na krusyal na mga laro.

“Lumabas yung lapses ko sa receiving. Talagang pinag-aralan ng Creamline kung paano kami maglaro,” ani Rondina.

Para kay Rondina, marami pang dapat ayusin sa kanilang laro lalo pa’t papasok na ang liga sa krusyal na estado.

“Babawi kami, kailangan pa naming magtrabaho para maplanstsa yung mga gusot,” ani Rondina.

Sunod na makakaharap ng Flying Titans ang Farm Fresh.

At asahan na ilalabas ng Choco Mucho ang buong puwersa nito upang masiguro ang magandang puwesto nito sa semis.

“Nothing will change, we will come to the game against Farm Fresh with the same winning mindset. Of course, we will still play as a whole, we will work, and we will translate the things we do in our training,” ani Rondina.

vuukle comment

SISI RONDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with