Eco-Oil-DLSU swak sa semis
MANILA, Philippines — Tuluyan nang inangkin ng nagdedepensang EcoOil-La Salle ang unang outright semifinals seat matapos talunin ang Marinerong Pilipino-San Beda, 82-71, sa 2024 PBA D-League Aspirants’ Cup kamakalawa ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kinumpleto ng Green Archers ang five-game sweep sa six-team, single round classification phase para angkinin ang top seeding papasok sa semifinals.
Napasakamay naman ng Centro Escolar University ang ikalawang outright semis berth matapos gibain ang CCI-Yengskivel, 96-78, para sa 4-1 record.
Nalasap ng Red Lions ang ikalawang kabiguan sa limang laro at laglag sa quarterfinals kung saa sila may ‘twice-to-beat’ advantage sa Keanzel Basketball.
Lalabanan naman ng Go Torakku-St. Clare (2-3) ang CCI-Yengskivel (1-4).
- Latest