Dikit na karera

Basa ko sa aking crystal ball na hindi matitinag ang San Miguel Beer sa No. 1 spot hanggang sa dulo ng PBA Philippine Cup elimination round.

Ang thrill at excitement eh nasa rambulan para sa second place na magbubulsa rin ng twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

Dikit-dikit ang mga koponan na nasa likod ng Beermen (5-0). Bahagyang angat ang NLEX (5-2) na isang hibla ang lamang sa Magnolia (4-2) na tinututukan naman ng Barangay Ginebra (5-3), TNT (4-3) at Rain or Shine (5-4).

Kahit nga ang NorthPort (4-4) at Terrafirma (4-5) ay meron pang mathematical chance umarangkada sa No. 2.

Ibig sabihin, crucial ang lahat ng mga laban sa mga susunod na araw.

***

Sa MPBL, mukhang mainit agad ang labanan na nagbunsod sa pag-atake ng ilang supporters ng isang koponan sa refe­ree sa loob ng kanilang quarters.

Ang siste, newcomer ang koponan na pag-aari ng isang politiko sa Norte.

Matapos makalasap ng unang talo, sinalakay si referee.

Eh papaano pa kaya kung nasa crucial part na ng tournament.

Baka matakot nga­yon ang mga referees na tuma­wag sa mga laro ng koponan na ito.

Hamon ito ngayon kay Commissioner Kenneth Duremdes.

Show comments