Dikit na karera
Basa ko sa aking crystal ball na hindi matitinag ang San Miguel Beer sa No. 1 spot hanggang sa dulo ng PBA Philippine Cup elimination round.
Ang thrill at excitement eh nasa rambulan para sa second place na magbubulsa rin ng twice-to-beat incentive sa quarterfinals.
Dikit-dikit ang mga koponan na nasa likod ng Beermen (5-0). Bahagyang angat ang NLEX (5-2) na isang hibla ang lamang sa Magnolia (4-2) na tinututukan naman ng Barangay Ginebra (5-3), TNT (4-3) at Rain or Shine (5-4).
Kahit nga ang NorthPort (4-4) at Terrafirma (4-5) ay meron pang mathematical chance umarangkada sa No. 2.
Ibig sabihin, crucial ang lahat ng mga laban sa mga susunod na araw.
***
Sa MPBL, mukhang mainit agad ang labanan na nagbunsod sa pag-atake ng ilang supporters ng isang koponan sa referee sa loob ng kanilang quarters.
Ang siste, newcomer ang koponan na pag-aari ng isang politiko sa Norte.
Matapos makalasap ng unang talo, sinalakay si referee.
Eh papaano pa kaya kung nasa crucial part na ng tournament.
Baka matakot ngayon ang mga referees na tumawag sa mga laro ng koponan na ito.
Hamon ito ngayon kay Commissioner Kenneth Duremdes.
- Latest