^

PM Sports

Lady Blazers iniskoran ang Lady Stags

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa opensa sina Wielyn Estoque, Michelle Gamit at Jessa Dorog upang akbayan ang defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers sa panalo kontra San Sebastian College Lady Stags, 25-13, 23-25, 25-13, 25-14 sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan kahapon.

Nanguna sa puntusan si Estoque para sa Taft-based squad sa itinalang 11 points habang tig-10 ang inambag nina Gamit at Dorog para itarak ang four-game winning streak.

Mag-isa sa tuktok ng team standings ang Lady Blazers hawak ang 4-0 record habang magkasalo sa No. 2 ang Letran Lady Knights at Lyceum of the Philippines Lady Pirates na may tig-3-0 records.

Matapos ang magaan na panalo sa first set ay napalaban ng todo ang Lady Blazers sa set 2 kung saan ay nasilat sila ng Lady Stags.

Subalit hindi nasira ang diskarte ng kampeon, muling ipinakita ang tikas upang masilo muli ang magaan na panalo sa sets 3 at 4 at tapusin ang laro.

Nirehistro rin ni Cloanne Mondoñedo ang anim na puntos at 19 excellent sets para sa CSB.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with