Creamline magpapatibay sa semis berth

MANILA, Philippines — Pipilitin ng nagdedepensang Creamline na makawala sa isang four-way tie para patibayin ang tsansa sa semifinals berth ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Lalabanan ng Cool Smashers ang Choco Mucho Flying Titans ngayong alas-6 ng gabi matapos ang laro ng mga sibak nang Farm Fresh Foxies at Strong Group Athletics sa alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Solo ng Choco Mucho ang liderato bitbit ang 8-1 record kasunod ang Petro Gazz (7-2), Creamline (7-2), PLDT (7-2), Chery Tiggo (7-2), Cignal (5-4), Akari (4-5), Nxled (3-6), Galeries Tower (3-6), Farm Fresh (2-7), Capital1 (1-8) at SGA (0-9).

Nagmula ang Cool Smashers sa 25-22, 25-12, 25-20 panalo sa talsik nang Chameleons para makaiwas sa ikalawang dikit na kamalasan.

“I think that’s the most important thing, especially since our next games are quite interesting and exci­ting, so we need to see ourselves and our confidence, so iyon,” ani Alyssa Valdez.

Target naman ng F­lying Titans ang pang-limang sunod na arangkada para tuluyan nang makopo ang unang semis ticket.

Umiskor ang Choco Mucho ng 25-17, 25-15, 25-15 panalo sa SGA sa huli nilang laro.

Samantala, handa si Fil-Am MJ Philips na mu­ling isuot ang uniporme ng Gazz Angels para sa asam na semifinals spot.

“We have to talk with management and see where we’re at, whether I can play the next game or probably in the semis – if we can make it to the semis, hopefully,” ani Phillips na kasama sa isinumiteng 20-man roster ng Petro Gazz sa pagsisimula ng torneo.

Nagmula ang middle blocker sa paglalaro para sa Gwangju AI Peppers sa Korean V-League.

 

Show comments