^

PM Sports

Batang Manda markado sa Triple Crown Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Topic sa social media ang impresibong pagkaka­panalo ng Batang Manda noong Linggo sa naganap na 2024 PHILRACOM “Road to Triple Crown Stakes Race” sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Komento ng mga karerista na posibleng dominahin ng Batang Manda ang tatlong legs ng nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo.

“Hanep ang galing ni Batang Manda, kung yan ang magiging line-up sa Triple Crown ay tiyak na sweep ‘yan,” pahayag ni Ferdinand Villahermosa, veteran karerista.

May apat na kabayo ang agwat ng Batang Manda sa Added Haha ng tawirin nito ang finish line, nilista ng pambato ni Benjamin Abalos ang tiyempong 1:41.6 minuto sa 1,600 meter race.

Ang Heneral Kalentong na pag-aari rin ni Abalos ang huling kabayong naka-sweep ng Triple Crown series noong 2020.

Simula 1978 may 12 kabayo pa lang ang nakakawalis ng Triple Crown Series ito’y sina Fair And Square (1981), Skywalker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2001), Hagdang Bato (2012), Kid Molave (2014), Sepfourteen (2017) at Heneral Kalentong (2020).

Samantala, tiyak na si former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema ang gagabay sa Batang Manda.

Sinakyan ni Dilema ang Batang Manda sa Road to Triple Crown.

Batang Manda markado sa Triple Crown Stakes Race

Nilda Moreno

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with