^

PM Sports

Graceful Gift pabida sa pista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakitaan ng husay ang Graceful Gift nang manalo sa NPJAI-FR Sevilla Industrial & Dev. Corp na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Sinakyan ni Pabs Cabalejo, ipinuwesto nito ang Graceful Gift sa pang-apat sa largahan habang nagbabanatan sa unahan ang Luke Skywalker at Benjie’s Prayer sa kaagahan ng karera.

Pagdating ng far turn ay kumuha na ng unahan ang Benjie’s Prayer habang nasa segundo puwesto na ang matikas din na Badboy MJ.

Pagsungaw ng rektahan ay dalawang kabayo ang lamang ng Benjie’s Prayer sa pumapangalawang Badboy MJ pero malakas ang dating ng Graceful Gift na dumaan sa bandang labas.

Sa huling 150 metro ng karera ay nasa unahan pa ang Benjie’s Prayer ng tatlong kabayo pero umuusok ang remate ng Graceful Gift kaya naungusan ng huli ang una pagtawid ng meta.

May dalawang kabayo ang bentahe ng Graceful Gift sa sumegundong Agaron nang tawirin nito ang finish line habang tersero ang Benjie’s Prayer at pang-apat ang Moment Of Truth.

Nilista ng Graceful Gift ang tiyempong 1:27.6 minuto sa 1,400 meter race, sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Paolo Mendoza ang added prize na P11,000.

May walong karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo, lahat ay suportado ng Phi­lippine Racing Commission, (PHILRACOM).

vuukle comment

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with