NBA playoffs, play-in tourney kasado na

NEW YORK — Ang top six teams sa bawat conference ang swak sa playoffs habang maglalaro ang No. 7, 8, 9 at 10 squads sa play-in tournament na hahataw ngayon.

Ang dalawang tropa sa bawat conference ang bubuo sa eight-team playoffs field kung saan ang first round ay magsisimula sa Linggo.

Ang Boston Celtics ang No. 1 seed sa Eastern Conference at nakatiyak ng home-court advantage sa postseason kasunod ang No. 2 New York Knicks, No. 3 Milwaukee Bucks, No. 3 Cleveland Cavaliers, No. 5 Orlando Magic at No. 6 Indiana Pacers.

Maglalaro sa play-in tournament ang No. 7 Philadelphia 76ers laban sa No. 8 Miami Heat at ang No. 9 Chicago Bulls kontra No. 10 Atlanta Hawks.

Sa first round ng playoffs ay lalabanan ng Cel­tics ang magiging No. 8 seed (76ers/Heat/Bulls/Hawks) habang sasagupain ng Knicks ang No. 7 seed (76ers/Heat)

Makakatapat ng Bucks ang Pacers, samantalang magtutuos ang Cavaliers at Magic

Sa Western Confe­rence, ang Oklahoma City Thunder ang umupo sa No. 1 spot kasunod ang No. 2 Denver Nuggets, No. 3 Minnesota Timberwolves, No. 4 LA Clippers, No. 5 Dallas Mavericks at No. 6 Phoenix Suns.

Sasalang sa play-in tournament ang No. 7 LA Lakers kontra sa No. 8 New Orleans Pelicans at ang No. 9 Sacramento Kings laban sa No. 10 Golden State Warriors.

Sa first round haharapin ng Thunder ang kukuha sa No. 8 spot (Pelicans/Lakers/Kings/Warriors), samantalang sasagupain ng Nuggets ang No. 7 seed (Pelicans/Lakers) at magkikita ang Timberwolves at Suns at ang Clippers at Mavericks.

Show comments