Creamline team mabagsik pa rin

Sariwa pa ang Cool Smashers sa 25-22, 25-12, 25-20 desisyon sa Nxled kung saan inilatag ng reigning champions ang tikas nito para mabilis na makuha ang panalo.
PVL image

MANILA, Philippines — Masaya si team captain Alyssa Valdez na na­kabalik na sa porma ang Creamline upang ma­palakas ang tsansa nito sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Sariwa pa ang Cool Smashers sa 25-22, 25-12, 25-20 desisyon sa Nxled kung saan inilatag ng reigning champions ang tikas nito para mabilis na makuha ang panalo.

“I think more than the win, our coach reminded us that we need to find ourselves in this game, also in this confe­rence. We are slowly buil­ding that confidence and fin­ding who we are back again,” ani Valdez.

Makailang ulit nang hindi binababad sa laro si Valdez.

Kaya naman sa oras na tumutuntong ito sa court ay sinisiguro nitong magbibigay ito ng ma­laking kontribusyon sa kanilang team.

Nagrehistro si Valdez ng 12 points sa panalo ng Cool Smashers sa Chameleons.

“It is all about playing all out regardless of our opponent,” ani Valdez.

Show comments