Ateneo kinalsuhan ang 2-game skid

Ipinakita pa rin ni De Guzman ang kanyang hu­say upang tulungan ang Lady Eagles na dagitin ang University of the East Lady Warriors, 25-17, 23-25, 25-23, 25-16, sa UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pa­say City.
UAAP / Photo courtesy of Neo Garcia

MANILA, Philippines — Ganado pa ring mag­laro si Lyann Marie Loise De Guzman kahit laglag na ang Ateneo sa asam na Final Four.

Ipinakita pa rin ni De Guzman ang kanyang hu­say upang tulungan ang Lady Eagles na dagitin ang University of the East Lady Warriors, 25-17, 23-25, 25-23, 25-16, sa UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Nilipad ni De Guzman ang 25 points mula sa 21 attacks, tatlong blocks at isang service ace para tulungan ang Ateneo na kalsuhan ang two-game lo­sing skid.

May kartang 4-8 ang Katipunan-based squad para sa pang-limang puwesto.

Ngunit wala na silang pag-asa pang makahabol sa No. 4 spot na hawak ng Far Eastern University Lady Tamaraws (7-4).

Nagrehistro rin si Ge­ezel May Tsunashima ng 18 points, habang 13 at 12 markers ang ambag nina Sophia Beatriz Buena at Alexis Ciarra Miner, ayon sa pagkakasunod.

Pakay ng Ateneo ma­kahirit pa ng panalo sa Linggo kontra sa karibal at defen­ding champions De La Salle University La­dy Spikers sa Smart Ara­neta Coliseum.

Tumikada si Casiey Dongallo ng 27 points para sa Lady Warriors na nalasap ang pang-siyam na talo sa 11 laro, habang bu­makas si KC Cepada ng siyam na puntos.

Susubukan ng UE na ma­kasungkit ng panalo sa pagharap nila sa FEU.

Show comments