^

PM Sports

NBA teams sasalang sa krusyal na laro

Pang-masa

NEW YORK — Magsasara ang 2024 NBA regular season ngayon, ngunit marami pang mangyayari bago ang mga aksyon sa postseason.

Ang Boston Celtics (63-18) ang top overall seed at nakatiyak na ng home-court advantage sa postseason, habang magpupuwestuhan pa ang ibang koponan sa Eastern Conference.

Pinag-aagawan naman ang N o. 1 spot sa Western Conference sa hanay ng Oklahoma City Thunder (56-25), Minnesota Timberwolves (56-25) at nagdedepensang Denver Nuggets (56-25).

Ito ang unang pagkakataon na nagtabla ang tatlong tropa para sa best record ng kanilang conference sa 81 games.

Lalabanan ng Thunder ang Dallas Mavericks, habang haharapin ng Nuggets ang Memphis Grizzlies at sasagupain ng Timberwolves ang Phoenix Suns.

Sa pagtatapos ng regular season ay ang top six teams sa bawat conference ang makakatiyak ng playoff spots, samantalang ang Nos. 7-10 sa standings ang maglalaro sa play-in tournament na nakatakda sa Abril 16-19.

Ang dalawang koponan sa bawat conference ang ku­kumpleto sa eight-team field at magsisimula ang first round ng playoffs sa Abril 20.

Ang lahat ng 30 tropa ay maglalaro sa final playdate ng eliminations at ang lima sa 20 postseason seeds ay nakapuwesto na sa playoffs.

Bukod sa Celtics, nakaupo na rin ang Chicago Bulls (39-42) sa No. 9 at ang Atlanta Hawks (36-45) sa No. 10 sa Eastern Conference.

Ang Nos. 4 at 5 seeds sa West ay ang Los Angeles LA Clippers (51-30) at Dallas Mavericks (50-31).

Sibak na sa Eastern Conference ang Brooklyn Nets (32-49), Toronto Raptors (25-56), Charlotte Hornets (20-61), Washington Wizards (15-66) at Detroit Pistons (14-67).

Talsik naman sa Western Conference ang Houston Rockets (40-41), Utah Jazz (31-50), Memphis Grizzlies (27-54), Portland Trail Blazers (21-60) at San Antonio Spurs (21-60).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with