^

PM Sports

Rain Or Shine nagpalakas ng tsansa sa playoff

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Rain Or Shine nagpalakas ng tsansa sa playoff
inawang target ni Beau Belga ng Rain or Shine si Kemark Cariño ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinasagaan ng Rain or Shine ang Terrafirma, 116-104, para palawigin ang winning streak nito at mapalakas ang playoff contention nito sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Caloocan Sports Complex.

Ito na ang ikaapat na sunod na tagumpay ng Elasto Painters na nagsimula sa 0-4 kartada para umangat sa 4-4 sa ikalimang puwesto papasok sa huling bahagi ng single-round eliminations.

Sumandal sa balanseng atake ang Elasto Pain­ters tampok ang pitong players sa double digits sa pangunguna ng halos triple-double na 19 puntos, 7 rebounds at 8 assists sahog pa ang tig-isang steal at tapal ni Beau Belga.

Kahihiralang lang kay Belga bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Pla­yer of the Week matapos trangkuhan ang patuloy na winning streak ng Elasto Painters noong nakaraang linggo.

Sumuporta sa beteranong big man sina Andrei Caracut, Jhonard Clarito at Santi Santillan na may 17, 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hindi rin matawaran ang ambag nina Mark Borboran, Mac Belo at Gian Mamuyac na naglista ng 13, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Abante lang nang bahagya ang RoS, 65-61, sa halftime, pero rumatsada sa second half kung saan ito lumamang ng hanggang 16 puntos tungo sa isa namang tagumpay.

Bumandera din ng muntikang triple double na 20 puntos, 8 rebounds at 13 assists sahog pa ang 2 steals si rookie Stephen Holt pero sadsad pa rin sa 4-5 ang Dyip, na noong nakaraang linggo lang ay sinilat ang Ginebra.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with