^

PM Sports

Lady Falcons may pag-asa pa sa Final 4

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — May tsansa pa ang Adamson University na makapasok sa Final Four matapos nilang dagitin ang 25-17, 23-25, 20-25, 25-23, 15-13 panalo kontra sa University of the Philippines sa 2nd round eliminations ng 86th UAAP women’s volleyball tournament na nilaro sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila kahapon.

May maliit na tsansa pa ang Lady Falcons kaila­ngan lang nilang ipanalo ang natitirang laro at ma­talo ang nalalabing laban ng nasa No. 4 na Far Eas­tern University Lady Tamaraws upang makahirit ng playoffs.

Ipinakita ni libero Ka­ren Verdeflor ang kanyang husay sa depensa upang akbayan ang Lady Falcons sa panalo.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si Verdeflor matapos irehistro ang 25 excellent digs at 15 excellent receptions para tulungan ang Lady Falcons na pagandahin ang kanilang karta at umasang makasampa pa sa susunod na phase.

Tangan ang 3-8 karta, kasalo ng Adamson sa No. 5 ang Ateneo Lady Eagles, hinahabol nila ang Lady Tams na may 6-4 card.

Samantala, pasok na sa semifinals ang league leader University of Santo Tomas (10-1), defending champions De La Salle University (9-1) at National University (9-2).

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with