^

PM Sports

Flying Titans lalapit sa semifinals berth

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang madaling maipoposte ng Choco Mu­cho ang kanilang pang-walong panalo sa pag­sagupa sa talsik nang Strong Group Athle­tics Athletics sa Premier Vol­leyball League All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang duwe­lo ng Flying Titans at Ath­letics ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang upakan ng nagdedepensang Creamline Cool Sma­shers at Nxled Chameleons sa alas-6 ng gabi.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magkikita ang mga sibak nang Ga­leries Tower Highrisers at Farm Fresh Foxies.

Magkasosyo sa lidera­to ang Choco Mucho at PLDT Home Fibr sa pa­reho nilang 7-1 record ka­sunod ang Creamline (6-2), Chery Tiggo (6-2), Petro Gazz (6-2), Cignal HD (5-3), Akari (4-5), Nxled (3-5), Farm Fresh (2-6), Galeries (2-6), Ca­pital1 (1-8) at SGA (0-8).

Nagmula ang Flying Titans sa 25-15, 25-16, 25-21 pagligpit sa Solar Spikers para palakasin ang kanilang tsansa sa se­mis, sa­man­talang wala pang nai­papanalong laro ang Athle­tics.

Target naman ng Cool Smashers na masolo ang No. 2 spot matapos yu­mu­kod sa Gazz Angels, 25-15, 18-25, 26-24, 19-25, 13-15, sa huli nilang la­­ro.

vuukle comment

PREMIER VOL­LEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with