^

PM Sports

Ginebra, Blackwater agawan sa panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpupuwestuhan ang Barangay Ginebra at Blackwater sa gitnang bahagi ng team standings sa nakakasang krusyal na bakbakan sa 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa Philsports Arena sa Pasig.

Parehong umiinda ng losing skids ang dalawang koponan kaya gigil na makabalik na sa winning column at manatiling nasa playoff contention sa duwelo nila sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng laban ng Converge at Phoenix sa alas-4:30 ng hapon.

Umariba sa 3-0 at 3-1 na simula ang Bossing at Gin Kings, ayon sa pagkakasunod, subalit hindi na ulit nagwagi upang matengga sa gitna katabla ang TNT Tropang Giga.

Tatlong sunod na ka­biguan ang nalasap ng Blackwater upang malag­lag sa 3-3 karta habang dalawang sunod naman ang natamo ng Ginebra para sa 3-2 kartada.

Pinakahuli dito ang 110-103 pagkatalo ng Blackwater kontra sa nag­liliyab na Rain or Shine habang yumukod naman ang Ginebra sa Terrafirma, 91-85.

Isa lang sa Bossing at Gin Kings ang makaka­ti­­kim ng tagumpay at ma­kakaangat sa hanggang ikaapat na puwesto sa likod ng mga lider na San Miguel (5-0), NLEX (5-1) at NorthPort (4-2) upang mapalakas ang tsansa sa playoffs.

Sa unang laro, pareho ding namomroblema ang Phoenix bitbit ang 1-4 kartada at Converge na wala pang panalo sa anim na laro kaya gutom din sa panalo.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with