^

PM Sports

Luka iginiya ang Mavs sa ika-4 sunod; Denver Nuggets pinapak ang Grizzlies

Pang-masa

SALT LAKE CITY — Humakot si Luka Doncic ng triple-double na 29 points, 13 assists at 12 re­bounds para sa 115-105 panalo ng Dallas Mave­ricks sa Utah Jazz.

Umiskor si Kyrie Irving ng 27 points para sa ikaapat na sunod na rat­sada ng Dallas (42-29).

Nag-ambag si P.J. Wa­shington ng 16 points, ha­bang tumipa si Daniel Gafford ng 13 points at 10 rebounds.

Kumonekta si Lauri Markkanen ng anim na 3-pointers at tumapos na may 34 points sa panig ng Utah (29-43) na nakahugot kay John Collins ng  21 points at 11 rebounds.

Matapos ang triple ni Collin Sexton, naglista ng 20 markers, para sa 94-93 abante ng Jazz sa 10:02 minuto ng fourth period ay isang 16-2 atake ang ginawa ng Mavericks pa­ra agawin ang kalama­ngan at ang panalo.

Sa Denver, kumadena si Nikola Jokic ng 29 points, 11 rebounds at 8 assists sa 128-103 paggu­po ng nagdedepensang Nuggets (51-21) sa Memphis Grizzlies (24-48).

Patuloy ang ratsada ng Denver sa West bagama’t hindi naglaro sina injured guard Jamal Murray (left ankle sprain) at forward Aaron Gordon (fascia strain).

Nagdagdag si Reggie Jackson ng 15 points at 8 assists, samantalang may 10 markers at 10 boards si Watson mula sa bench.

Pinamunuan ni Lamar Stevens ang Memphis sa kanyang season high 19 points at may 17 markers si Scotty Pippen Jr.

Sa Los Angeles, ku­ma­mada si Pascal Siakam ng 31 points sa 133-116 do­minasyon ng Indiana Pacers (41-32) sa Clippers (44-27).

Sa Houston, naglista si Fil-American guard Jalen Green ng 27 points sa 110-92 pagpapasabog ng Rockets (36-35) sa Portland Trail Blazers (19-53).

Sa Sacramento, ipinoste ni Domantas Sabo­nis ang kanyang NBA-leading 25th triple-double sa season sa tinapos na 11 points, 13 rebounds at 10 assists sa 108-96 panalo ng Kings (42-29) sa Philadelphia 76ers (39-33).

Sa Chicago, bumanat si Jordan Poole ng 23 points para ihatid ang Washington Wizards (14-58) sa kanilang season-high na tatlong sunod na pa­nalo mula sa 107-105 paglusot sa Bulls (34-38).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with