^

PM Sports

Saan aabot?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dalawang magandang salpukan ngayong araw na ito ang magbubukas ng PBA Philippine Cup final week bago magbigay-daan sa All-Star Weekend sa Bacolod.

Magsusubukan ang Blackwater at NLEX, ganoon din ang Terrafirma at Phoenix.

Malamang na goal para sa kanila eh, makapamuhu­nan ng maganda bago harapin ang mga higanteng ko­ponan ng SMC at MVP Group.

Nakasalang na sa laban at agad humugot ng back-to-back wins ang Barangay Ginebra.

At ngayong week rin na ito magbubukas na ng kampanya ang Commissioner’s Cup champion San Miguel Beer at runner-up Magnolia.

Rain or Shine ang unang assignment ng San Miguel sa Biyernes, samantalang Converge ang unang haharapin ng Magnolia sa Sabado.

Lalaro ng ikalawang game ang San Miguel kontra TNT sa Linggo – huling laban bago ang pahinga ng mga koponan sa pagbibigay daan sa 2024 All-Star Festivities.

Nakapuhunan ng 3-0 record ang Blackwater, samantalang parehong nakahugot ng 2-1 start ang NLEX at Terrafirma.

Sorpresa sa marami ang panimula ng mga Bossing and Dyip. Pero ang tanong siyempre eh, kung hanggang saan ang kanilang mararating.

Magandang test ang NLEX at Phoenix kontra  Blackwater at Terrafirma ngayong gabi.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with