Destinasyon ni Baltazar
Base sa overall performance ng mga koponan sa previous season ang order ng PBA draft.
Forty percent ang puntos mula Philippine Cup ranking at 30 percent each ang sa Commissioner’s Cup at sa Governors’ Cup.
Pero magkakaroon ng pagbabago ang percentage points dahil limitado sa two conferences ang PBA Season 48.
Gayunman, kahit ano pa ito, mukhang mapupunta sa Converge FiberXers ang top draft rights sa Season 49 Rookie Draft Rites.
Tabla sila ng Blackwater sa kartadang 1-10 noong nakalipas na Commissioner’s Cup. At samantalang nakaratsada ang mga Bossing sa panimula ng Philippine Cup, nanatiling sadsad ang mga FiberXers.
Mukhang sasampa na si MPBL star Justine “Balti” Baltazar sa PBA next season, at malamang na ang koponan ni coach Aldin Ayo ang kanyang destinasyon.
At balik-PBA din kaya si Encho Serrano para samahan si Baltazar sa Converge?
Iyan eh kasama sa mga bulung-bulungan.
Ang palaisipan pa eh, ang career plans ni Carl Tamayo. Maghahanap kaya ng bagong koponan sa Japan o titingin ng ibang destinasyon.
- Latest