^

PM Sports

High Speed Hitters sumosyo sa top spot

Russell Cadayona - Pang-masa
High Speed Hitters sumosyo sa top spot
Gigil na hinataw ni Majoy Baron ng PLDT ang bola kontra kay Jai Atienza ng Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Nagtulung-tulong sina Savi Davison, Jessey De Leon at Majoy Baron para igiya ang PLDT Home Fibr sa 25-17, 25-23, 25-22 paggiba sa Nxled sa 2024 PVL All-Filipino Con­fe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw ang Fil-Canadian na si Davison ng 13 points mula sa 13 attacks para sa 2-0 record ng High Speed Hitters habang may 11 at 10 markers sina De Leon at Baron, ayon sa pagkakasunod.

Bagsak ang Chameleons, nakahugot kay Ivy Lacsina ng 12 points, sa 0-2 marka.

“Magaling talaga sila (Nxled) in terms of defense, lahat,” ani PLDT libero Kath Arado na nagtala ng 29 excellent digs at 12 excellent reception. “So talagang pinag-aralan namin at ibinigay namin iyong respeto na hinihingi ng Nxled sa amin tsaka iyong respeto sa amin na gusto talaga naming manalo.”

Nag-ambag sina Fiola Ceballos at Keisha Bedonia ng tig-6 points para sa pagtabla ng High Speed Hitters sa Chery Tiggo Crossovers sa liderato.

“Happy na medyo na­tuloy namin iyong momentum from last game,” wika ni coach Rald Ricafort sa nauna nilang 25-22, 25-6, 25-9 paggupo sa Ga­leries Tower  Highrisers.

Dinomina ng PLDT ang first set, 25-17, bago pumalag ang Nxled sa second frame kung saan sila nakadikit sa 23-24 mula sa blangka ni Kamuy Cal kay Davison.

Tinapos ni Davison ang laro sa pamamagitan ng isang spike na hindi napigilan ni Dani Ravena.

Sa third set ay kinuha ng Chameleons ang 8-4 bentahe hanggang agawin ng High Speed Hitters ang 21-16 kalamangan.

Huling naghamon ang Nxled sa 22-24 matapos ang supalpal ni Jai Atienza kay Davison habang ang lampas na hataw ni Camille Victoria ang sumelyo sa panalo ng PLDT.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with