^

PM Sports

Istulen Ola, Guce pasiklab sa Commissioner’s Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng racing aficionados ang magandang panalo ng Istulen Ola sa 2024 Commissioner’s Cup I na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Umarangkada ang Istulen Ola paglabas ng aparato para hawakan ang unahan pero kinapitan agad ito ng mahigpit nitong karibal na Boss Emong.

Bakbakan sa unahan ang Istulen Ola at Boss Emong kung saan lamang ng kalahating kabayo ang una pagdating sa kalagitnaan ng karera.

Naging mainit ang labanan sa unahan ng Istulen Ola at Boss Emong bandang far turn, nagka­panabayan ang dalawa hanggang sa pagsungaw ng rekta.

Pagsapit sa rektahan ay nasilayan ng mga karerista kung papaano paluin ng latigo ng dalawang hinete ang kanilang sakay at sa huling 100 metro ng karera ay umungos na ang Istulen Ola para tawirin ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang Boss Emong.

Ginabayan ni reig­ning Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awar­dee John Alvin Guce, nirehistro ng istulen Ola ang tiyempong 1:39 minuto sa 1,600 meter race.

Hinamig ni horse ow­ner Melaine Habla ang P1,080,000 sa pagkaka­panalo ni Istulen Ola.

vuukle comment

COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with